X
Pagkabalik ni Xandro sa Veron Appliance Center ng tanghali, wala pa rin si Lynette. Hinayang na hinayang si Xandro na hindi pa rin niya ito nakikita. Pagpasok niya sa loob, napansin niyang wala pa masyadong customer. Bumalik siya sa kinauupuan niya kanina. Maya-maya ay lumabas agad si Veronica. "Xandro, kumusta naman iyong delivery mo, nagustuhan ba nila?" tanong agad nito.
"Opo, nagustuhan naman agad ito noong babae."
"Iyong appliance lang ang nagustuhan, wala na bang iba, ha Xandro?" biro nito.
"Ha, eywan ko po, basta 'yong appliances gustong-gusto