VII
Binuksan ni Eric ang pintuan ng attic at agad niyang niyayang
pumasok si Xandro sa loob. "Halika Xandro pasok ka sa loob." habang binubuksan ang lights.
Pumasok naman agad si Xandro at napansin niyang may pintuan ito patungong likod ng bahay at may dalawang maliliit na bintana at may isang kama sa gitna. Pinaupo muna ni Arthur si Damien. "Opo ka muna riyan Xandro." at lumakad ito patungong bintana. Nanatili siya rito at pinagmasdan ang maraming punong-kahoy na nakapaligid sa buong kabahayan. Matapos ay kinuha ang isang upuan at inilagay sa malapit sa kinauupuan ni Xandro. Pinagmamasdang mabuti ni Xandro ang kanyang tito at napansin niyang medyo balisa ito at hindi mapakali habang nakaupo sa harapan niya. Matapos ay tumayo ulit ito at dumungaw sa isa pang bintana. "Xandro, siguro ito na ang tamang panahon para malaman mo ang buong katotohan sa pagkatao mo at ang mga nangyari noon