"Sigi po M'am Veronica, M'am Lynette aalis na po ako, paalam."
            "Good bye Xandro, ingat ka," pamamaalam ni Lynette habang patuloy na nakatitig sa mukha ni Xandro.
            Matapos ay tumalikod na rin si Xandro at lumabas ng kwarto.  Halos wala nang mapaglagyan si Xandro sa sobrang kaligayahan niya.  Nakita na nga niya ang nawawala niyang tito, tapos maging si Althea na matagal na niyang inaabangan sa may train station ay nakita niya na ring muli sa wakas.
            Pero bigla rin niyang naisip ang ipagtatapat sana ng tito niya tungkol sa tunay niyang pagkatao kaya kinabahan siyang muli, at tinungo agad ang naghihintay na tito. 
           Pagkalabas niya nang tindahan ay agad niya itong tinawag pababa ng van. "Tito baba na ho kayo riyan at nang mapuntahan na