pinakamataas na antas ka at minsan nama'y nasa pinakamababa.  Subalit kahit nasaang antas ka man nabibilang, tandaang mong may kaakibat itong malaking responsabilidad sa sarili mo at maging sa iyong kapwa.  Dapat matuto kang tanggapin at gampanan ito ng buong puso at kaluluwa.'  Tapos ay marahan niya akong yayakapin at hahalikan sa aking ulo.  Samantalang si mama naman ay masayang pinapanood lang kami sa baba habang kumakain ng cotton candy.  Mahilig kasi talaga siya dito.  Naging napakasaya talaga ng kabataan ko Xander, hanggang sa dumating ang malagin na araw na 'yon ng sabay na pumanaw ang aking mga magulang dahil sa hindi maipaliwang na aksidente, nabangga ang menamanehong sasakyan ni papa at ni mama at sabay silang namatay, nakita na lang silang magkayakap ng mga sumaklolong  pulis."