niya ang sigaw ng isang babae humihingi ng tulong.  "Tulungan niyo ako hinablot ng lalakeng 'yan ang bag ko! Snatcher!  Snatcher!" 
             Pagkalapit ng snatcher kay Xandro ay agad niyang inagaw mula sa tumatakbong snatcher ang mamahaling leather  bag.  Pagkarating ng humahabol na babaeng nakasuot ng isang mamahaling relo sa kinatatayuan ni Xandro ay agad itong nagpasalamat sa kanya.  "Naku salamat naman at nabawi mo ang bag ko, nakatakas nga lang ang gagong 'yon!" pasasalamat ng babae sa binata. "Mahalaga kasi ito sa akin nasa loob nito ang kinita ng Appliance Center ko sa malapit, idedeposito ko sana bangko, paano ba kita mapapasalamatan ha, ano nga palang pangalan mo ha?"
             "Xandro, Xandro pangalan ko, saka wala yon, hindi mo na kailangang magpasalamat pa."
             "Hindi baka may kailangan ka, sandali ano bang trabaho mo, naghahanap rin kasi ako ng Delivery Man para sa