XIII
Mabilis na nabayaran ni Xandro ang pagkakautang niya sa Boarding House at ngayo'y kasalukuyan siyang naghahanda para sa pagkikita nila ni Althea sa lumang train station.
"May lakad ka ba Xandro?" tanong ng kapapasok lang na si Eric habang pinagmamasdang naglalagay ng hair wax si Xandro sa kanyang maiksing buhok.
"Opo Tito Eric, magkikita ho kami ngayong gabi ng nai-kwento ko sa iyong si Althea, iyong naging kaibigan ko noong nagkahiwalay tayo sa train station dati," nakangiting sagot ni Xandro.
"Aba magkikita pala kayo ng maganda at pinakakamamahal mong babae. "
"Opo sana swertehin ako ngayon at magkita na kaming talaga,"