kami bibili.  Saka itong calling card ko tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng makakausap, o kaibigan na mapaghihingahan mo ng sama ng loob alam mo na..."
        Pagkatanggap ni Xandro sa calling card ay agad na itong nagpaalam at lumabas ng bahay.  Habang nagmamaneho si Xandro pabalik, napadaan naman siya sa isang Fast Food Chain.  Gusto sana niyang bumili ng spaghetti at fried chicken, pero kailangan niya nang makabalik agad sa Veron Appliance Center.  Kaya nagpatuloy siya sa pagmamaneho.  Nadaanan naman niya ang naglalaking Billboards ng isang sikat na brand ng T-shirt, jeans, at sapatos.  Napadaan din siya sa isang Pharmacy.  Nagpatuloy si Xandro sa pagmamaneho.  Yumuko siya nang bahagya at tiningnan  sandali ang kanyang relo, nag-aalala kasi siya baka masyado siyang natagalan sa kanyang delivery kanina.  Hindi naman pala... maaga pa naman.  Pag-angat niya ng ulo niya para tingnan ang dinaraanan, nakita