"Ha ganon po ba, Tito Eric?" nagulat na tanong ni Xandro. "Tungkol sa tunay kung pagkatao, baket may hindi ba ako alam sa pagkatao ko. Di ba't ikinuwento mo na sa akin ng maliit pa ako na isang piloto ang tatay kong Amerikano at ang nanay ko naman ay isang magandang probinsiyana. May hindi pa po ba kayo nasasabi sa akin ha?"
"Mayroon nga anak, mayroon."
"Sigi po, sabihin niyo na po sa akin ngayon, makikinig po ako."
"O ito." sabay abot sa isang maliit na lata sa binata.
"Aanhin ko po ito?"
"Inumin mo, softdrinks iyan 'di ba, mag-softdrinks na muna tayo at parang nag-aalangan akong sabihin sa iyo ang buong katotohanan, baka kasi may muntik ka na namang masagasaan pag